bulbong haláman (genus Hyacint-hus) sa pamilyang liryo, na may tíla sinturong dahon, mahabàng tangkay na sa dulo ay may pumpon ng tíla kampana, kulay lilang bughaw, at mabangong bulaklak
water supply (wá•ter sup•láy)
:
ang probisyon at pag-iimbak ng tubig, o ang halaga ng tubig na inimbak, para sa paggamit ng isang bahay, bayan, at katulad
water line (wá•ter layn)
:
guhit na nakapalibot sa gilid ng sasakyang pantubig at tinatamaan ng tubig na nagsisilbing pananda sa bigat ng kargamento
wá•ter pó•lo
:
pangkatang laro ng mga manlalangoy, na nag-uunahang maibuslo ang bola sa goal ng kalaban
water mill (wá•ter mil)
:
malakíng molino na pinaaandar ng gulóng na pinaiikot ng tubig
water lettuce (wá•ter lé•tis)
:
nakalutang na halámang akwatiko (Pistia stratiotes), may mga dahong tíla bulaklak, at ang mga bulaklak ay maliit, lungtian, at nakatago sa mga dahon